Mga Patakaran
Gawa
ng maraming dumadayo o sumasali na nagmumula sa iba't ibang bansa,
maging bata man o matanda, kinakailangan nating gumawa ng mga patakaran
upang makakasiguro tayo na ang ating mga chatters ay malilibang
sa oras habang sila'y nakasali at hindi makapagdudulot ng kabagutan
o kapikunan
1.) Ingles o Nihonngo
(Hapon) lamang ang maaring gamitin habang nasaloob ng chat room!
Marami po tayong mga bisita na nanggagaling sa ibat-ibang bahagi
ng mundo na may ibat-ibang lingwaheng gamit. Upang makapagdulot
ng pagkakaunawaan, isinakatupad namin na Ingles at Nihonggo (gamit
ang alpabetong roman) lamang ang gagamitin upang magkaintindihan
ng maayos.
2.) Ipinagbabawal ang
pagtatanong o paghahanap ng lalaki, babae o maging mga Hapon.
Ang #japan channel ay hindi pick-up channel! Kung gugustuhin ninyong
mag chat, magagawa ninyo iyon na hindi na kailangang magtanong o
maghanap ng babae/lalaki o kahit anong bagay na walang katuturan!
Ang mga tanong na ito ay hindi magandang pakinggan, kaya't mahigpit
po naming itong ipinagbabawal.
3.) Walang maaring
manghingi ng pagiging Operator o ng voice
Ang paghihingi nga Op o voice ay ipinagbabawal. Ang mga operator
or OP sa channel ay siyang may "kusa" na pumansin sa mga
taong mabubuti o may katuturan at sila na ang kusang magbibigay
ng "+" bilang kapalit sa pagsunod o paggalang na ipinapakita.
Ngunit hindi ibig sabihin nito na kayo ay palaging mabibigyan ng
"+", kaya't huwag kayong malungkot o madismaya kung kayo
ay nagchacaht at walang "+".Dahil walang pagkakaiba ang
kakayahan ng ordinaryong nagchachat sa mayroong "+". Ang
mga taong ngangungulit sa paghingi ng OP/+v ay hindi bibigyan ng
pansin at hindi magtatagal at matatanggal kayo sa channel, kaya'y
ikinabubuti na tayo'y sumunod sa patakaran na ito.
4.) Walang magtatanong
ng ASL o magpapatranslate ng kahit na anong salitang dayuhan at
iba pang mga bagay na walang kabuluhan.
Maaring makipagchat kayo sa mga taong nasa anong mang gulang, lalake
man o babae.
Maraming tao ang sumasali sa channel na nagpapatranslate ng mga
salita na galing sa anime o anumang pinagmulan, at kadalasang hindi
man lamang marunong bumati at ito ay hindi magandang "etiketa"
sa internet maging sa personal. Kadalasan ng mga sumasali ay upang
makapagchat at hindi manghingi ng "translation" . Maraming
"websites" na nagbibigay serbisyo tulad ng pag translate
at walang duda na mas mahusay kung iyon ang gagamitin. Maari ninyong
tingnan sa aming mga "links" bilang halimbawa. Iba pang
mga walang katuturan ay yung mga nagpapasali sa ibang channel, mga
automatic na scrips at iba pa
5.) Mahigpit na ipinagbabawal
ang mga bastos at pag bibigay patalastas/channel ukol sa kabastusan
Maraming nagchachat na nabibilang sa iba't ibang gulang, may mga
kabataan na aming sinusubaybayan. Ang mga taong bastos ay matatanggal
sa channel at mahigpit na hindi papapasukin..
6.) walang magpopost
ng mga URL/emails/numero ng telepono/id para sa ibang network at
iba pa.
Ang #Japan Channel ay hindi channel para sa pagpapatalastas, at
kung kayo'y magpapatalastas, kayo'y mabibigo at patatalsikin. Ito
ay kailangan dahil maraming mga "spammers" na sumasali
sa channel. Kung gugustuhin ninyong tulungan ang isang chatter sa
pamamagitan ng URL o maging ano man, maaring magchat kayong dalawa
ng pribado upang makaiwas sa abala at pagsuway sa mga patakaran
Para masubaybayan ang mga chatters, hindi namin binibigyan ng pahintulot
na ipost ang mga emails, numero ng telepono o mga id para sa ibang
networks katulad nalang ng friendster o iba pang "dating sites".
.
7.) BAWAL ang bots/clones/scripts
Kapag ikaw ay magchachat, isang IRC-client lamang ang pinahihintulutan.
Hindi na kailangan pa na mag join ka ng channel na may bots o clones.
Gusto lamang
po naming ipaalam sa inyo na ang mga OP sa japan ay hindi nasisiyahan
na mag KICK o BAN sa channel, ngunit ang channel na ito ay palaging
binabaha ng mga bots, may mga spam at iba pang mga walang katuturan
na "links" na magdudulot ng bagay na walang kabuluhan.
Kami ay tao rin lamang na talkagang maaring magkamali. Kung kayo
ay sadyang naalis sa channel na hindi ninyo alam ang dahilan, paki
siguraduhin sa inyong "kick msg". Kung kayo ay nakick
oh na ban na hindi sinasadya, wag manghinayang na I-msg. At aming
gagawin ang aming makakaya upang kayo ay maibalik sa channel sa
pamamagitan ng mga aktibong OPs. Salamat! Sana'y masunod ninyo ang
aming simpleng mga patakaran! ;-)
|
Many thanks to honylette for this
translation and bloodberry_circuit for support!
|
|
|
|
|
|
|